Tinitigan kita.
Pinagmasdan ko ang iyong mga pilik,
kurbada ng ilong, biloy sa pisngi,
mga labing nangingintab sa laway.
Tinitigan kita.
Lantad ang balat
nilang humaharap
sa mga kabalyero
ng kalsada.
(they always come in three, kaya sige na, pagbigyan niyo na ako, ang hirap kayang isalaksak dito ng mga seryoso kong tula)
Wala ng pera ang bulsa, kaya dukutin na sa sarili ang nakatuping laswa at kay Samantha ay magpa-tsupa, ibugaw ang sarili sa kasa, pumayag na sa pagtuwad, pagbukaka, pagpuputa.
Uminom ng tatlong botelya ng halamang pampalaglag. Kung ayaw magdugo, umakyat sa lamesa at tumalon, maglambitin sa puno ng bayabas at magpatihulog nang paulit-ulit hanggang makaramdam ng paninigas sa tagiliran.
Saka ko siya sinipa sa sikmura,
sa tadyang,
sa tagiliran,
sa leeg,
sa ilong.
Itinali ko siya sa poste
ng Meralco saka ako bumili
ng fishball.
May tiyaga ng sandaang taon kong tinutungga itong cola at rhum sa katabing lamesita. Inilalapag ko sa tuwina ang aking cupita at parati’y gusto ko nang tumayo at alukin ka ng isa, ng dalawa, ng tatlong sayaw marahil. Matapos ay umaapoy akong magpapakilala.
“Putangina Trisa!
Nabilang ko na lahat ng puta dito sa Avenida
hanggang ngayon wala ka pa!”
~ kuwento ng isang kaibigan
tungkol sa ex niyang makata
Nag-rent ako kahapon ng Music and Lyrics DVD nila Hugh Grant at Drew Barrymore. Eh di, nakyutan naman ako sa kanilang burgesyang kuwento ng pagmamahal. Na-inspire tuloy akong balikan itong dalawang drafts ng tula ko sa If You Forget Me ni Pablo Neruda. Kako, tapusin na nga at mai-post. kaya heto. Ito ang pinakahuling mga [...]