Alam ko New Year ngayon and am not supposed to be cursing and all, pero, shet naman naka dalawang bote na ako ng SMB at dalawang pinggang palabok pero ayaw pa rin akong dalawin ng aking mutya, in short, i can’t fucking write my first blog post for 2010. dang.
Ganito ang aking dilemma: home-based outsourcing ang raket ko at wala halos akong social life. Para ma-compensate ito, kailangan kong i-expand ang aking virtual community: Friendster, YM, ZeroGravity Blog. Paraan ko yun para maging semi-normal ang buhay ko, nang may makausap ako, nang may kakulitan, nang may katsismisan, nang magkaroon ng kalandian, nang may outlet ang lahat ng nagbu-boil sa aking isip.
Marami akong pwedeng ikwento, kaya lang hindi ako maka-bwelo. Na-overwhelm ang aking creative side lately nang malaking demand sa trabaho. Kaya hindi ko alam kung panong sisimulan ang mga kwento. Kung paanong susulatin ang mga kwento. Bilang panakip-butas, isi-share ko muna dito ang ilan sa mga larawang kinuha ko nitong mga nakaraang buwan. Photography na [...]
Habang nagkakape ako kanina lang (12:29AM ngayon), biglang nag-toinks sa isip kong, kalasin muna ang ilang bahagi ng aking pagkatao sa internet. Kaya naman: Binura ko ang aking Friendster account (goodbye sa aking 99 contacts) At nag-uninstall na rin ako ng aking YM (goodbye, 75+ contacts). Yung account ko sa facebook, hayaan ko na lang [...]