Nang mag-decide ako last year na mag-home-based freelancer dahil gusto kong mag-spend ng mas maraming oras sa pamilya, si jowa naman ay nag-decide na mag-resign sa pagtuturo sa kolehiyo, at tumulak ng Manila para doon mag-trabaho. Oks na yun. Originally kasi, plano niya ay mag-Iceland, at mamasukan na taga-buhat ng balyena. Mabuti na lang umatras. [...]
Maaaring kaedad na niya
si Tim Berners-Lee,
at ang mga bulbol niyang
may halinhinang puti at itim
ay mga upos ng ganja na nahuhulog
sa pirma niyang napakapangit, patay
na ilog na nagmumulto sa paanan
ng mga patapon ng Batangas habang
ikaw na naiipit sa kamao
ng mga tatlong-buwanang manggagawa
at nagmamay-ari ng mga hotel,
ay ayaw mag-give way sa aking panukala:
na marahil, sa bawat araw [...]