Nag-eenjoy na ako sa pag-sketch, peksman.
Lately, napansin kong hindi ako makapagsulat. Wala namang signs ng mood swing. Siguro, pagod lang dahil sa kapupuyat. Nakakabobo kasi ang pagpupuyat hindi ba? Naging abnormal kasi ang sleeping pattern ko nitong nakaraang dalawang buwan. Kasi naman bakasyon, ayos lang magising nang tanghali. Usually ay inaabot ako ng mga 2am, 3am bago makatulog.
Ewan. Feel ko lang na balikan na naman ang aking nakalimutang skills sa human figure drawing. Ayos na ang buwelo ko nung 90’s, ang problema hindi ko na-sustain dahil mas nahumaling ako sa pagsusulat ng nobela nung mga panahong iyon. Tapos naging NGO worker ako, at later ay napunta naman ang focus ko sa poetry, tapos nagkapamilya, tapos napunta sa web design at digital photography, kaya hindi ko na nadevelop nang husto.