Tinitigan kita.
Pinagmasdan ko ang iyong mga pilik,
kurbada ng ilong, biloy sa pisngi,
mga labing nangingintab sa laway.
Tinitigan kita.
This is a podcast version of a previously posted poem.
Gusto kong mag-emote ngayong gabi. Nilandi ko siya, at minsan nilandi rin niya ako. Sa ganitong mga gabing nakapulupot siya sa aking mga bisig, Nililips-to-lips ko siya hanggang mamanhid ang aming labi.
This is a recorded poetry reading.
Dito ay tumiklop ang mga damong makahiya nang kilitiin ng mga paa, habang bumubulong ang binata ng pagsinta sa pisngi at teynga.
You said, kasi, that’s how the alchemy of remembering and forgetting works. You make kuha the kutsilyo, and you make saksak your balakang. Twice: isa, dalawa.
Kahapon ay umulan
at muli’y nagtampisaw ako
sa mga patak ng balaraw.
Itinataas ko ang mukha sa langit
at nakapikit na kinukutuban ang pagsalakay
ng tubig-ulan.
Lantad ang balat
nilang humaharap
sa mga kabalyero
ng kalsada.
(they always come in three, kaya sige na, pagbigyan niyo na ako, ang hirap kayang isalaksak dito ng mga seryoso kong tula)
Wala ng pera ang bulsa, kaya dukutin na sa sarili ang nakatuping laswa at kay Samantha ay magpa-tsupa, ibugaw ang sarili sa kasa, pumayag na sa pagtuwad, pagbukaka, pagpuputa.
Uminom ng tatlong botelya ng halamang pampalaglag. Kung ayaw magdugo, umakyat sa lamesa at tumalon, maglambitin sa puno ng bayabas at magpatihulog nang paulit-ulit hanggang makaramdam ng paninigas sa tagiliran.
Saka ko siya sinipa sa sikmura,
sa tadyang,
sa tagiliran,
sa leeg,
sa ilong.
Itinali ko siya sa poste
ng Meralco saka ako bumili
ng fishball.
May tiyaga ng sandaang taon kong tinutungga itong cola at rhum sa katabing lamesita. Inilalapag ko sa tuwina ang aking cupita at parati’y gusto ko nang tumayo at alukin ka ng isa, ng dalawa, ng tatlong sayaw marahil. Matapos ay umaapoy akong magpapakilala.