Kahapon ay umulan
at muli’y nagtampisaw ako
sa mga patak ng balaraw.
Itinataas ko ang mukha sa langit
at nakapikit na kinukutuban ang pagsalakay
ng tubig-ulan.
Wala ng pera ang bulsa, kaya dukutin na sa sarili ang nakatuping laswa at kay Samantha ay magpa-tsupa, ibugaw ang sarili sa kasa, pumayag na sa pagtuwad, pagbukaka, pagpuputa.
May tiyaga ng sandaang taon kong tinutungga itong cola at rhum sa katabing lamesita. Inilalapag ko sa tuwina ang aking cupita at parati’y gusto ko nang tumayo at alukin ka ng isa, ng dalawa, ng tatlong sayaw marahil. Matapos ay umaapoy akong magpapakilala.