What if gusto kong mag-letrato sa Alaskan wilds at mag-compose ng tula sa Amazon River nang sabay? Or gusto kong mag-grill ng tuna sa Caribbean at magbasa ng libro ni Murakami sa ituktok ng Mt. Pulag? Or i-enjoy ang sunset with jowa sa Panglao Beach at mag-bungee jump sa France kasama ang dalawang bata?
Ganito ang aking dilemma: home-based outsourcing ang raket ko at wala halos akong social life. Para ma-compensate ito, kailangan kong i-expand ang aking virtual community: Friendster, YM, ZeroGravity Blog. Paraan ko yun para maging semi-normal ang buhay ko, nang may makausap ako, nang may kakulitan, nang may katsismisan, nang magkaroon ng kalandian, nang may outlet ang lahat ng nagbu-boil sa aking isip.
Habang nagkakape ako kanina lang (12:29AM ngayon), biglang nag-toinks sa isip kong, kalasin muna ang ilang bahagi ng aking pagkatao sa internet. Kaya naman: Binura ko ang aking Friendster account (goodbye sa aking 99 contacts) At nag-uninstall na rin ako ng aking YM (goodbye, 75+ contacts). Yung account ko sa facebook, hayaan ko na lang [...]