Ganito ang aking dilemma: home-based outsourcing ang raket ko at wala halos akong social life. Para ma-compensate ito, kailangan kong i-expand ang aking virtual community: Friendster, YM, ZeroGravity Blog. Paraan ko yun para maging semi-normal ang buhay ko, nang may makausap ako, nang may kakulitan, nang may katsismisan, nang magkaroon ng kalandian, nang may outlet ang lahat ng nagbu-boil sa aking isip.
Habang nagkakape ako kanina lang (12:29AM ngayon), biglang nag-toinks sa isip kong, kalasin muna ang ilang bahagi ng aking pagkatao sa internet. Kaya naman:
Binura ko ang aking Friendster account (goodbye sa aking 99 contacts)
At nag-uninstall na rin ako ng aking YM (goodbye, 75+ contacts).
Yung account ko sa facebook, hayaan ko na lang muna, [...]