4AM Food Trip With 7-Year Old Faith at 7-11

Nung bata ako, hindi ko naranasan ang manggising sa madaling araw para magpabili ng meryenda, o kaya mag-insist na sumama palabas ng bahay para bumili ng meryenda. Malamang nagugutom ako noon, oo. Pero yung gisingin ko ang nanay o tatay ko para magpasama na bumili ng meryenda sa labas, alas kuwatro ng umaga?

Read More »

Strange Little Girl

Meet Faith. Days before she was born, wife and I made a deal. Wife will give our daughter the real name, and I’ll give the monicker. Sikolohiyang Pilipino has taught us the significance of names, “ang pangalan, dapat may pinanggagalingang kahulugan, at hindi lang basta ginaya sa sikat na artista sa pelikula.” And so before [...]

Read More »

Kumareng Marge

Sa dinami-dami ng aking mga kaibigang babae, tatlo lang sa kanila ang hindi ko nakakalimutan ang mga kaarawan: ang una ay ipinanganak ng July 7, ang isa ay September 9, ang huli ay December 6. Sa lahat ng mga dates na ito, wala rito ang bertdey ni Marge. Sa sampung taon ng pagkakaibigan namin, parati [...]

Read More »

Mais

Nag-uwi si tatay ng isang supot ng mais, namitas raw kasi sila sa Puncan. Kaya madali akong nag-mental note sa sarili at nag-promise na hindi matatapos ang araw at iluluto ko ang ilan dito. Kinakailangan kong mag-mental note parati nitong mga nakaraang araw. Marami kasi akong gustong gawin na hindi ko magawa-gawa pag nasimulan ko [...]

Read More »

Bungal

Nabungi si Faith kanina. Actually nung isang araw pa dapat, eh ang kaso, hirap akong bunutin gamit ang sinulid, kaya na-extend hanggang kanina. Hindi ko na matandaan kung pang-ilang bungi na niya ito, pero nung huli siyang mabungi, siya na mismo ang nagbunot. Na nalaman ko na lang nang kumatok siya sa kuwarto ko at [...]

Read More »

Hindi Kilala ng mga Bata si Tarzan

Nagising ako kanina lang at matapos i-on ang aking PC, biglang nag-pop sa aking status bar ang isang message na may subject na "Heto na ang mga treelalas". Ang email ay galing sa aking ever generous writer-slash-friend-slash-kumare, Marge, matapos kong i-request sa kanya na magpadala naman siya ng mga pictures ng mga puno na nabanggit [...]

Read More »

SA ILOG

Dahil naniniwala akong higit sa lahat, quality time ang pinakamahalaga at mas magugustuhan ng mga bata, nag-decide ako bigla last weekend na mag-motor kami sa pinakamalapit na ilog para magtampisaw. Shemps, expected na naman ang mga reactions ng mga bata. Nag-wuhoo yehey na naman sila. Hiram ang WAVE100 ni tatay, pinasuot ko sa dalawa ang [...]

Read More »

Umalis na ang mga Bata

Umalis na ang mga bata, pumasok na sa eskwela. Naiwan sa kuwarto nila ang mga pinaghubarang damit, tsinelas, mga ginamit na tuwalya. Naiwan rin sa mesa ang mga pinagkainang pinggan, kutsara, baso ng gatas, bote ng vitamins, placemat. Sa banyo, shemps ay hindi na naman nila ibinalik sa habonera ang sabon, hindi ibinalik ang takip [...]

Read More »

Wala sa Likod, Wala sa Harap

Nagsawa na sa paglalaro ng piko sa rooftop ang mga bata, kaya lately, biglang nag-toink sa isip nila na subukan naman ang larong taguan. Simple lang ang rule sa larong ito: may isang taya, tapos yung taya (habang nakatakip ang mga matang nakaharap sa pader, na siya ring tinatawag na "base") ay mag-a-announce nang malakas: [...]

Read More »