Parang humahagod
sa vaginal wall
ang boses ni Macy Gray
sa kanyang “I Try”, kako,
at gross naman
ang iyong puna
sa mga monologues
ng “Usapang Puki”
sa Music Museum.
Ngayon, habang
tawa tayo nang tawa
in between shots sa isang
bottle ng Vodka,
bigla kong naisip.
Ilang pekpek at titi
kaya ngayon ang nag-eexplore
sa kalawakan, sa mga extremes
ng libog at tuwa,
ng ligaya at laswa?
Suka rin siguro sila nang suka
at [...]
Huwag na huwag ipipikit
Ang mga mata kung ika’y kaharap, katabi
Dahil mamumukadkad ang mga pag-aalinlangan
Sa laman. Sisibol, magigising, aahon sa pagkakahimbing.
At sa isang kurap ng saglit,
Tayo’y pag-iisahin, parang bato at tubig-tabang
Sa pampang, nanghahablot ng sandali sa maramot
Na titig ng katanghalian, habang rumaragasa
Sa gunita ng ating panata’t sumpa,
Ang panghihinayang, ang pagsisisihan.
Ano’t pagmulat natin isang [...]
naidlip ako kanina lang.
kayakap ang unan na hinahawi,
iniipit sa binti,
ipinapailalim sa pisngi,
idinadampi sa labi.
idinuduyan ko sa buntong-hininga
ang bawat pag-inat ng mga kamay
at paa.
nakapikit ako,
ngunit gising ang diwa sa pagkukunwari
na ikaw ay kayakap ko.
hinahawi ang buhok,
iniipit sa aking binti ang iyong binti,
ipinapailalim ko ang dibdib mo sa aking pisngi,
at idinadampi ko ang labi ko sa iyong [...]
Huwag kang mangako
ng pangmatagalang kabutihan.
maiksi ang maghapon
at sa kahabaan ng gabi,
parating nakatabi sayo
ang pagtataksil ng dilim.
May mga lamok na nanunukso
upang kamutin ang hindi
dapat kamutin.
May katahimikang nagpapaalala
sa mga gunitang hindi
dapat alalahanin.
Kapag nawala ang tunay mong ikaw,
nagkakaroon ng sariling isip
ang mga daliri.
Upang baybayin ang katawan
ng nakatayong puno sa gabi
na dadapa lamang pag natulog
na ang umaga.