The advantage of learning how to sketch, is that finally, I can now own the beautiful photographs that I see in the internet. This is my first attempt on female figure sketching applying the hatching, cross-hatching techniques.
Hindi pa rin makapagsulat. Kaya patuloy pa rin sa pag-career sa sketching. First live subject ko ang mga ito. Galing sa mga magazine photos. Yung previous sketches ko kasi dinu-duplicate ko lang yung mga exercises sa ebook.
Nag-eenjoy na ako sa pag-sketch, peksman.
Lately, napansin kong hindi ako makapagsulat. Wala namang signs ng mood swing. Siguro, pagod lang dahil sa kapupuyat. Nakakabobo kasi ang pagpupuyat hindi ba? Naging abnormal kasi ang sleeping pattern ko nitong nakaraang dalawang buwan. Kasi naman bakasyon, ayos lang magising nang tanghali. Usually ay inaabot ako ng mga 2am, 3am bago makatulog.
Ewan. Feel ko lang na balikan na naman ang aking nakalimutang skills sa human figure drawing. Ayos na ang buwelo ko nung 90’s, ang problema hindi ko na-sustain dahil mas nahumaling ako sa pagsusulat ng nobela nung mga panahong iyon. Tapos naging NGO worker ako, at later ay napunta naman ang focus ko sa poetry, tapos nagkapamilya, tapos napunta sa web design at digital photography, kaya hindi ko na nadevelop nang husto.
Meet Faith.
Days before she was born, wife and I made a deal. Wife will give our daughter the real name, and I’ll give the monicker. Sikolohiyang Pilipino has taught us the significance of names, “ang pangalan, dapat may pinanggagalingang kahulugan, at hindi lang basta ginaya sa sikat na artista sa pelikula.” And so before long, [...]