Sketching – Day 23 (First Live Subjects)

Hindi pa rin makapagsulat. Kaya patuloy pa rin sa pag-career sa sketching. First live subject ko ang mga ito. Galing sa mga magazine photos. Yung previous sketches ko kasi dinu-duplicate ko lang yung mga exercises sa ebook.

Una akong nag-attempt kina Salma Hayek at Penelope Cruz, kaya lang sablay ang proportion kasi di ko pa na-incorporate ang photoshop sa aking workflow before para i-allign ang initial outlines with the original photo gamit ang layers. Tantyahan lang.

penelope-final

salmahayek-5

Ngayon pasok na parati ang Photoshop sa aking workflow. Importante talaga na ma-hit accurately ang proportions at placements ng mga basic facial parts. Pag nagawa mo yun, medyo hoks na. Malaki rin ang tulong ng Photoshop, Picasa, scanner, wacom all through out hanggang sa post-processing for minor edits. Lalo na dun sa pag-add/pag-delete ng mga details na mahirap gawin sa actual sketch lalo na kung masyadong maliit yung mga areas. Ang Picasa magandang gamitin sa pag-preview ng photo kasi puwede mong i-zoom sa mga details, nang mas maging accurate ang output.

Hirap pa rin ako sa shading. Temporarily ay brush at charcoal muna ang gamit ko. Nagiging charcoal-esque na nga e, initially ang intention ko mas maging sketchy lang sana ang dating. Kaya lang nagsisimula pa lang akong mag-aral ng hatching, cross-hatching techniques.

Outputs sa aking bagong workflow:

This one is from a magazine cover.

covergirl

covergirl-1

covergirl-3

covergirl-8


This one’s supposed to be Kate Winslet.

image-17

image-18

image-19

image-21

kate

Related Posts:

8 Responses for "Sketching - Day 23 (First Live Subjects)"

  1. .
    wow talagang lalong humuhusay ang kamay mo a? eto talaga yung masasabi kong di ko kayang gawin hehehe as in never ko rin pagaaralan.

    ganda ng soundtrack.. Dido ba yan?
    Yeye, Dido nga.

    Oo nga, ang daming nagagawa ng kamay kong ito. Bastos kasi e.
  2. .
    galing! gusto ko ang mga mata! :) galeng talaga!
    ang hirap naman sagutin ng mga ganyang comments. nyahaha.



  3. .
    Kuha mo si Kate Winslet! :)
    Ang photo portrait mo ha? Dapat meron ka na sa October. =)
  4. .
    kuya jun, galing galing naman. buhay na buhay yong mga mata! astig ka talaga.
    *kilig*

    charing.
  5. .
    sir,di na po ba pwede madownload ung e-book nyo na chickenpox?
    dhoy, check your email, had it sent na. =)
  6. .
    yung hubad nga na salma hayek bro. :-D
    pinapractice ko pa lang mahirap ang shading nun, pero marami na akong nahanap na nudes. =)
  7. .
    oo nga nawala na yata yung download section mo? my copy na ako dati ngmga ebooks mo sa phone ko kaso nawala kasama nung phone huhuhu..

    Sobrang busy yata ngayon? hirap din magsulat..naiisip ko tuloy ibahin layout ng sa akin kasi marami nang bugs kaso sayang ang mga widgets hehehe.. speaking of widget..hirap ako ilagay yung flash na tag cloud..ano sekreto mo?
    may ubo, tapos madalas pa sumakit ang ulo, kaya yung mga extra time ko ginagamit ko talaga sa pahinga.

    kung wordpress ka, walang sablay yang widget na yan. ang blogspot kasi iba ang platform. malamang hindi compatible.
  8. .
    galing mo jun ha. . . husay mo sa scketching..
    bored kasi, uy ang balita ni jowa, si dhine-dhine daw nagpipintura ng bahay nila ngayon sa bicol. =)

Leave a Reply

By the way, for the idiots mentally-challenged among you who are wondering how we get those funky looking avatars, register your email at http://www.gravatar.com and then use the same email when you sign here.