
Naisip ko lang. Sana meron akong clones. Ang dami ko kasing gustong puntahan, andami kong gustong gawin. Yung isa, siya ang magiging “Jun, the photographer”. Yung isa siya ang “Jun, the writer”. Yung iba, “Jun, the coder”, “Jun, the full-time father”, “Jun, the wanderer”.
Masyadong nali-limit ako nitong mga nagdaang araw. Andami ko kasing gustong gawin na hindi ko magawa. Hindi na ako makapag-blog, hindi ko na matutukan ang pagbabasa sa mga nakahilerang libro, hindi na ako makapag-ikot at makapaglagalag para mag-take ng pictures. Hirap akong makasingit ng oras for some physical activity. Madalas, masyado na akong pagod para tulungan ang mga bata sa assignments nila.
Parati akong home-bound, nakaupo sa aking swivel chair at nagku-code sa computer sa araw. Lumalabas lang ako pag maghahatid ng bata sa school, kapag magfu-foodtrip, kapag bibili ng supplies sa grocery. Sa gabi para ma-offset and technical routine ko sa araw, nanunuod ako saglit ng TV o kaya ay movie sa PC, nagbabasa, nagdu-drawing o kaya ay nagpapahinga.

Ang problema shemps, hindi naman viable ang cloning. Kulang pa ang aking savings, at saka, hindi pa naman ganun ka-perfect ang technology. Ayon rin sa google news, hindi naman 100% carried over ang characteristics ng original dun sa mga clones. Sa isang aso halimbawa na na-clone sa US, ang sabi ng owners, mas matamlay daw ang clone kesa sa original nilang alaga.
What if yung ”Jun, the photographer” ay hindi maka-recognize ng geometries sa kanilang natural na setup? Eh di hirap siyang i-integrate and lines, layers, rule of third sa kanyang composition? O pano na lang halimbawa kung yung ”Jun, the writer” ay kulang sa libog? Eh di mawawalan siya ng creative source at ang mga likha niya ay dang, walang libog?
For that, naisip ko, pakpak na lang kaya?
Ang pakpak kaya niyang i-solve ang limitations ng physical presence sa multiple places. Hindi simultaneous, pero at least, mas mapapabilis. Ang problema, pano kung bumabagyo sa China Sea at gusto kong lumipad papunta ng Mediterranean? Oo pwede akong umikot pa-south via Mindanao palabas ng Indonesia, papunta sa Indian Ocean. Pero, pano kung barilin ako halimbawa ng mga Abu Sayyaf along the way, o i-bazooka ako ng mga pirata sa Somalia, o kuyugin ako ng mga migrating birds while on flight, o kaya mabunggo ng UFO?
Ang sagot dun, teleportation.
Oo, Star Trek technology yan, pero i-assume natin na pwede. Bah, pwede akong pumunta sa iba’t-ibang lugar sa mundo at will. Parang, “Gusto ko sa kuwarto ni Penelope Cruz,” tapos toinks, andun agad ako. “Gusto ko sa kusina ni Iron Chef Masaharu Morimoto,” toinks, nasa kusina agad ako ni Hapon at ngumangasab ng kanyang seafood recipes.

Oks na sana, pero hindi pa rin nito sinu-solve ang problema ng omni- presence, yung nandun ka sa maraming lugar nang sabay-sabay?
What if gusto kong mag-letrato sa Alaskan wilds at mag-compose ng tula sa Amazon River nang sabay? Or gusto kong mag-grill ng tuna sa Caribbean at magbasa ng libro ni Murakami sa ituktok ng Mt. Pulag? Or i-enjoy ang sunset with jowa sa Panglao Beach at mag-bungee jump sa France kasama ang dalawang bata?
Kaya kailangan ko pa rin ng clones.
At lahat ay dapat kayang mag-teleport.
Tapos hindi lang dapat clones. Kundi mga clones na may oneness sa heart at psyche. Nang yung fulfillment na nae-experience ng isa, mae-experience rin ng iba pang clones na para bang andun rin sila. Parang yung mga shadow clones ni Naruto kapag nag-Kage Bunshin No Jutsu siya?

May collective enjoyment. May collective learning. May collective self-realization. May collective growth.
Come to think of it, what if, assuming na bawat clone ay may kanya-kanyang love life (hypothetical lang naman joybeth), at all at once, sa kani-kanilang lugar, ay nakipag-make love sila?
First recorded male multiple orgasm yun sa history natin, diba?
Related Posts:
- Withdraw, Disconnect, Isolate
- First Quarter Sumpong
- Love is in the Air
- SA ILOG
- Nude, on a Good Friday, at a Remote and Isolated River, with Two Sardines in my Back-pack
- Yosi
- Buwelo
- Photo Shoot sa Vector Zero
- Got Published, Got Exhibited, Wuhoo, Yeh-yeh
- Twelve Years
7 Responses for "Clones at Teleportation"
Leave a Reply
By the way, for the idiots mentally-challenged among you who are wondering how we get those funky looking avatars, register your email at http://www.gravatar.com and then use the same email when you sign here.
"Come to think of it, what if, assuming na bawat clone ay may kanya-kanyang love life (hypothetical lang naman joybeth), at all at once, sa kani-kanilang lugar, ay nakipag-make love sila?"
definitely, kung may clone ka -- di ko gugustuhing mauwi sa isa man sa kanila.
Unfair naman sa mga clones ko kung wala silang love life. Unless, ipa-clone rin kita. Hmmmm.
Kaw naman, wag mo na akong bistuhin sa public.
mas lalo ako natawa sa sagutan nyo magasawa dito sa comment section hehhee.. oo nga sarap siguro nang may clone..nang masatisfy naman yung mga nagpapantasya sa akin. chos!
ate, si kuya gare dakulon pang babaknit na pigpapantasyahan adi? may aram akong orasyon para mareprogram ang payo, muya mo? hehe!
peace manoy! i still enjoy your blogs. ngayon nga lang ako nakapag comment ulit. bonggang bongga kasi ang katamaran ko sa pag type :p
hmp.
be, bako sanang gare ta iyo talaga. makasuya! hihi. pag uyam ako jan, sige ko taram in bikol. nagkainteres man logod 'ko sa orasyon
saen ka sa bikol? pili kami eh...sa Isarog!
ate baad may mid life crisis lang si kuya LOLZ! maray ka pa pwede magpara-ngurob ngurob in bicol, ako useless ta taga sorsogon lang si agom hehe. mga ilang tumbling pa kami from pili, legazpi po =)